Friday, July 24, 2020

KAPE AT PAGIBIG


8863459-i-love-coffee

                                                 by: animarr 

            

Ang kape ay ang second most consumed drink in the world, kasunod lang ng tubig. One third ng population ng buong mundo ay umiinom ng kape. At bakit hindi? Masaya magkape – mainit sa katawan, nakakagising, at nakaka-inspire. Parang pag-ibig.

 

            Sa isang session ng pag-inom ko kape eh natagpuan ko ang sarili ko na pinagmumuni-munihan ang mga similarities nito at ng pag-ibig. Marami-rami rin pala. May mabuti, may masaklap. Pero dahil emo ako, medyo magfofocus tayo sa masaklap. Heto ang ilang dahilan kung bakit ang kape ay isang hindi basta-bastang inumin… ang kape ay parang pag-ibig kasi:

 

unnamed 

  1. Minsan isang baso lang lakas-tama ka na.

 

            Iba-iba ang tama ng kape sa iba’t ibang tao. May nagigising, may lalong inaantok, meron ding mga keber lang. Pero meron din naman yung mga tipo na isang baso lang eh 10am na makakatulog kinabukasan – dilat na dilat, parang lalabas sa ribcage yung puso, high. Minsan ‘di na kailangan ng litro para tamaan ka ng sobra. Parang pag-ibig lang. Isang sulyap lang ang kailangan, isang conversation, isang interaction na malamang wala namang meaning sa kanya, eh sabog na sabog ka na sa emosyon. Nakasalubong mo lang sa banyo, mahal mo na. Para kang kape na ini-stir sa pang-ii-STIR UP mo sa sarili mong emosyon sa mga maliliit na bagay. Makabubuti ba ito sa’yo? Ewan ko lang… Ewan ko lang kasi:

 

  1. Ang kape/pag-ibig ay nakakapaso kapag sobrang init.

 

            Hindi masayang mapaso. Sino ba naman yung may gusto na magkaron ng napasong dila (alam mo yun, yung masakit na magaspang na nakakairita), namamagang nguso o balat na natapunan ng nagbabagang liquid? Pero siguro nga ay sadyang nangyayari ito – madalas dahil hindi natin pinapakiramdaman kung gaano nga ba kainit ang kape at padalos-dalos tayo sa paglaklak. Parang pag-ibig lang. Minsan kapag binaha ka na ng emosyon eh sinasantabi mo muna yung utak mo. Sa sobrang hot ng emosyon mo, nakakagawa ka ng mga bagay na sana ay hindi mo nalang ginawa, nakakapagsabi ka ng mga salita na sana ‘di mo nalang sinabi. Pero yun nga eh, hindi natin mapagkakatiwalaan ‘yung mga nararamdaman natin. Makabubuti pa rin na huwag pairalin ang mga nagbabagang emosyon. At higit pa dun, IWASANG gumawa ng mga malalaking desisyon kapag emosyonal ka. Parang kape lang ‘yan – antay-antay lang, palamigin nang konti, at mababawasan ang chance na magsisi ka sa gagawin mo.

 

free-desktop-Wallpaper-beautiful-superb-super-cool-wallpapers-wide-screen-download-hd-Food-And-Drink-Hot-coffee-2560x1440

 

 

        3. Pakiramdam mo ay kailangang-kailangan mo ng kape/pag-ibig, pero hindi naman.

 

            Alam mo ‘yung mga araw na parang nagsusumigaw yung katawan mo sa kape at di ka matahimik hangga’t di ka nakakahigop? Normal lang siguro yun. Pero kung adik ka na sa kape, sana hindi ka rin adik sa pagiging in love. Alam mo yun, yung kailangan lagi kang may juwawers, laging may ka-text, laging may pinag-iinvest-an ng emosyon na ultimately eh wala namang pupuntahan. Kahit sino na lang minsan, basta may lovelife. Minsan rin, makita mo lang yung ibang tao na mayroon nun (kape man yan o lovelife,) atat na atat ka na rin na magkaroon. ‘Pag walang lovelife o crush, hindi ka tao eh, di’ba? Halaman nga, tawag nung iba kong kaibigan. “Dapat meron ako niyan,..” “kasi malungkot ako…” “kasi kailangan ko nito, kasi kailangan ko niyan…” Wala namang masama sa pag-crave, pero madalas ay may mga underlying issues sa likod nito na mas kailangang bigyan ng atensyon (i.e. insecurity). Buti sana kung lovelife ang solusyon dito, kaso madalas ay hindi.

 

            Tao ka pa rin kahit wala kang lovelife. Baka nga maging mas mabuting tao ka pa kung hindi mo ibubuhos ang oras mo sa paghahanap ng mga bagay na hindi mo naman talaga kailangan sa current season mo sa buhay. Marami pa akong gustong sabihin tungkol dito (na baka isulat ko nalang sa ibang blog entry) pero eto lang talaga yun: “Love because you are ready, not because you are lonely.”

 

Coffee

 

  1. Kapag gumagawa ka ng kabaliwan, ito ang sinisisi mo.

 

            Sadyang nakaka-hyper nga talaga ang magkaroon ng caffeine sa katawan. Mas ganado ka sa trabaho, mas mabilis ka mag-isip, mas gising ang diwa mo. Sa sobrang hyper mo eh mas intense din ang energy at mga jokes mo, in short, baliw-baliwan na ang peg. Kapag medyo nahiya ka na sa mga pinaggagawa mo, diyan na papasok na ang linyang, “Nakakape kasi ako eh!” With the medyo-apologetic face. Ganyan din tayo minsan pagdating sa pag-ibig. Ito ang sinisisi natin sa mga bagay na parang di ma-explain ng science kung ba’t mo ginawa. Daig pa ang isang matinding magic spell o droga kung impluwensiyahan tayo nito sa mga ginagawa natin. Minsan tingin natin ay lisensya na natin ‘to para magpakabaliw, magpaka-shunga, magpaka-kung anu ano. Kasi nga naman in love ka n’on di’ba? Mahal mo siya eh… K, sabi mo eh…

 

  1. Minsan, hindi makabubuti sa’yo kaya dapat iwasan.

 

            Eto lang din talaga ‘yun. Neutral ang kape, kung ito lang ang pag-uusapan. Para masabi natin kung nakabubuti o nakakasama ito sa isang tao, dapat nating tignan kung paano nga ba nito naaapektuhan ang katawan at pag-iisip ng tao na ‘yun. Kung nasisira ang tiyan mo sa kape, eh dapat mo nga itong iwasan. Kung maaga pa ang pasok mo kinabukasan, pigilan mo na ang sarili mo na magkape nang late at night. Parang pag-ibig lang. Wala namang masama kung umibig o kiligin ka – gift ni Lord sa’tin ‘yan. Pero minsan dapat alam mo na kung ‘yung pagmamahal mo sa isang tao (o kung yung tao mismo) ay nakabubuti o nakakasama sa’yo. Malalaman at malalaman mo rin yan. Dami pa namang ibang drinks dyan eh.

 

Coffee-love

 

 

  1. Mas masarap kapag tama ang timing.

 

            Pwede ka namang magkape kahit kelan mo gusto, pero shempre iba pa rin ‘pag perpekto yung timing. Dapat tama ‘yung atmosphere, ‘yung ambiance, kunyari alas syete sa isang umagang maulan. Mas dama mo yung bawat higop, mas fulfilling – unlike pag wala sa timing at ipinilit lang. Parang pag-ibig. Mas solb ‘yan kapag alam mo lang na ‘yun na ‘yung itinakdang time para magpakalunod sa kilig at all the more, commitment sa isang tao. Sabi nga sa Bible, “There is a time for everything, and a season for every activity under the heavens.” (Ecclesiastes 3:1) Timing is everything. 

 

  1. May tamang timpla ‘yan.

 

            Hindi ko alam kung ano ang paborito mong timpla ng kape – pero ang alam ko lang eh kapag tama ang pagkakalagay ng mga sangkap nito, mas masaya! Tubig man yan, kape, creamer, o asukal, may tamang sukat ang mga bagay-bagay at ito ang magbibigay ng mas masarap na lasa sa ating inumin. Parang pag-ibig. Kapag nasobrahan ka sa puro emosyon lang, kilig, at attraction, baka puro pait lang ang abutin mo dyan. Hindi masusustain ng umaaatikabong mga emosyon ang isang relasyon. Kailangan i-balance mo ito sa ibang mas importanteng bagay katulad ng wisdom, commitment, reality, at iba pa. Higit sa lahat, i-involve mo si Lord sa lahat ng mga desisyon mo. Mas mabuti nga kung sa kanya mo nalang ipatimpla ang lahat, dahil siya naman talaga ang nakakaalam ng tamang timpla para sayo. Kapag pinairal mo ang mga tamang bagay sa buhay pag-ibig mo, magkakaroon ka ng love story na “brewed just right” for you.



coffee-addict-wallpaper-33